Posts Tagged With: Filipino blood

Ten powerful cruisers’ shots which would remind you that it’s more fun to be Filipino

Masayang ibinahagi ng ilang Pinoy na nagtatrabaho sa mga malalaking cruise ships ang kanilang naging espesyal na karanasan sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Mula sa pagluluto ng mga masasarap na pagkain hanggang sa pagsabit ng mga palamuti sa barko ay juan for all, all for juan ang ating mga kabayan!

Tingnan natin sa mga sumusunod na larawan kung paano nila ipinakita ang pagiging true-blooded Filipino.

1. Pak na pak na kakayahan, kitang-kita sa pakwan.

image

Ang larawang ito ay ibinahagi ng isang talentadong chef artist. Katulad ni Sir Ritz Pedroso Madhay, kaya mo rin ba maipamalas through fruit carving ang iyong pagka-Pilipino?

2. Dirty ice cream, now serving.

image

Naidisplay naman ang gawa-gawang sorbetes cart na ito sa loob ng Harmony of the Seas, ang world’s largest cruise ship as of press date. Salamat sa pagshare ng larawan Sir Leo Antipala, paorder narin po ng scoops of ube, cheese and mango? Hehe

3. Heads up high, Pinoys!

image

Sa larawang ito makikitang proud Pinoy ang ating mga kabayan. Yung may hawak ng watawat ay nakasuot ng salakot sa ulo. Isa ang salakot sa mga common symbols of Filipino identity. Samantala, yung isa naman na may mas makulay na kasuotan reminds us of our beautiful race. Yung lahi na confidently byutiful with a heart? 😀

4. Kumukuti-kutitap na backdrop

image

Patok ang mga Pinoy performers sa cruise ships. Kung ikaw ay nagpeperform sa stage na ang palamuti ay hango sa Philippine flag, siguro ang kantang ‘Shape of you’ ni Ed Sheeran ay maikanta mo sa tono ng ‘Lupang Hinirang’? Hehe Joke only!

5. Unli Rice.

image

Sa larawang ito ay agad kong napansin ang kanin dahil hindi maikakailang kanin lover tayong mga Pinoy. At kumakain ka na hindi gumagamit ng kutsara at tinidor, yung nagkakamay kalang? Tsaaarap nun! Kaya kain lang mga kabayan dahil ang rice sa barko, walang limit, walang kulang?? Hehe sana nga!

6. Bande-banderang banderitas.

image

Sa isang designated meal place o crew mess na ito ay nakasabit ang maraming banderitas na Philippine flag ang disenyo. Tuwing piyesta ay malimit sinasabit ang mga banderitas. Naalala mo pa ba kung kelan ka huling naglagay ng mga palamuting banderitas sa barangay?

7. Barkong Kongreso

image

Mula pa noong panahon ng mga Kastila ay barong na ang pormal na kasuotan ng mga Pilipino. Ang barong ay isang pormal na kasuotan na magaan lamang isuot at ang mga magagandang klase ay gawa sa pinya, abaka o seda ng saging. Kung makikita mo ang mga Pilipino na nakabarong sa barko, say ‘Hi’ sa mga hindi kurakot na pulitiko?

8. Beep Beep, sakay na sa dyip

image

Kung may forever daw na nagmamahal, isa na rito ang pamasahe sa dyip na aba naman, nagmamahal at walang sawang nagmamahal. Sa naalala ko mura pa dati ang regular fare pero ngayong mga araw, saan na lang nga ba makakaabot ang twenty pesos mo? Hehe.
Oh dahil babyahe na, eto na ang trivia ko! Farah ang pinakasikat na pangalan ng maton at tengang-kawali na jeepney driver. Kung ayaw mong maniwala, subukan mo once (o alam ko nasubukan mo na). Yung babang-baba ka na pero di ka pinapansin ni manong driver. Sigaw Ka. Lakasan mo.
Manong, Farah! Farah! Farah sabi eh!!! Pansinin kana nun, tinawag mo pangalan eh. Haha.
At next time, agahan mo konti dahil natrapik kana, lumagpas kapa. Farah-paraan naman ‘wag ma-late bes? 😛

9. Tribo Marino.
image

This photo reminds me of llo-ilo City’s Dinagyang Festival. Suot ang mga makukulay na head dress ay para silang mga mga dance warriors ng isang competing tribe.
Obviously, Hala Bira! at nag-enjoy sa pagperform ang grupo.
Proud na proud kami sa effort ninyo mga kabaro!
Viva! Viva! Viva! 😀

P.S.
Curius ako kung takip nga ba ng kaserola o kaldero na binalot ng aluminium foil yung kalasag ninyo?

10. They make cake, it’s not fake.

image

Cakes to celebrate Independence Day are real. Una kong nakita ang cake ng Passenger ship Celebrity Millenium kaya naisulat ko ang blog post na entitled ‘LOOK: Watawat ng Pilipinas, nakain sa barko.’

Positive naman po ang response ng readers, isa nadun si Miss Kiss Aqui-no na nagcomment, “Bimb told me. You eat watawat pala no?..Nakakalokaaaa!”

Lol. Isang cake palang yun ha, naloka na ang queen of all midyeah. Hehe ano nalang kaya ang reaksyon ni madam kung makita pa niya ‘to?

image

image

image

image

image

image

image

Ang matamis na sorbetes, matibay na jeep o kahit pati ang masayahing si Kiss Aqui-no, among other major major Pinoy pride, are compelling reasons for one to believe that it’s more fun to be Filipino!

In the name of Philippines, the 3 stars and 1 sun, wear a happy heart, and be proud of who you are wherever part of the globe you go, kabayan!

image

Photos courtesy of Facebook users:
1. Ritz Madhay, Genting Dream Cruise
2. Leo Antipala, Harmony of the Seas
3. Kris Lloyd Balon, Aida Cara
4. Tann Gerine
5.  Edwin Pereña, MSC Preziosa
6. Jj Ryan, Anthem of the Seas
7. Ryan Sergio Duriman, Dawn Princess
8. Jeloy Turiano, Royal Princess
9.  Brian Alexander Palma, Dawn Princess
10. Various Pinoy Cruisers

BLOGBITES

Did this post enlighten your day?
Share your thoughts by writing a comment below!

Advertisements
Categories: Inspiring, Working Pinoy on Cruise Ships | Tags: , , , , , , , , , , , | 1 Comment

Powered by WordPress.com.

%d bloggers like this: