Posts Tagged With: Estonia

Mga Pinoy cruise ship workers, ginulantang ang Estonia!

image

Naipakita ng mga Pinoy cruise ship workers ang kanilang pagkakaisa at galing sa pagsayaw noong Lunes, June 26, nang mag flash mob dance ang grupo sa isang cruise terminal ng Tallinn, capital city ng bansang Estonia.

Base sa mga larawan at impormasyon na ibinahagi ni Floor Supervisor Edelin Otayde Dela Cruz, napatigil pa nga raw ng kanilang sayaw ang maulang panahon.

“Umuulan nga n’yan pero habang sumayaw kami, nakisama naman ang panahon,”

At dahil chained to the rhythm talaga sa pagperform ay inulan din naman ng mga papuri sa social media ang kanilang espesyal na presentasyon.

“Every two weeks, nagmemeet ang [mga cruise ships na] Aida Mar at Aida Cara sa Estonia. Noong 26 halos magkatapat lang yung 2 [na] barko.

“Nagkaroon ng barbecue lunch noon ang lahat ng crew ng Aida Mar at Aida Cara.

“Para maiba naman, nagflash mob kami buong HK (housekeeping) team.

“Pinaghandaan talaga namin yon, practice, practice after duty,” ang masayang pahayag ni Edelin.

Tinanong ko rin si Edelin kung sino ang lead organizer ng event at nakilala ko si Menchie Acuna, ang kauna-unahang executive housekeeper sa Aida fleet.

“Idea yan [flash mob dance] ng executive housekeeper namin.

“Siya ang kauna-unahang executive na Pilipino sa Aida fleet.

“Yung nasa unahan ko, siya yung executive namin.

“[Siya] si Mommy Menchie. Kilalang-kilala siya sa lahat ng Aida [dahil] napakagaling magmotivate ng tao.

“Lahat kami sa housekeeping napasayaw niya. Hehehe.” ang dagdag pa ni Edelin.

image

©Pixabay

Kung pangarap mo din makapagtrabaho sa cruise ship, narito ang aking mga ultimate tips.

Mabuhay, Aida HK Team!!!

image

Photos (c) Edelin Dela Cruz

sub

To get the latest cruisepirational stories!

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.


 

Advertisements
Categories: Inspiring, Working Pinoy on Cruise Ships | Tags: , , , , , , | Leave a comment

Powered by WordPress.com.

%d bloggers like this: