Ikaw-6 na Utos: Mag-ipon para Yumaman

image

©Pixabay

Maraming mga Pilipino ang nag-aabroad dahil gustong makaahon sa kahirapan. Marami ding mga Pilipino na matagal na kumakayod sa ibang bansa pero hanggang ngayon, tanging mga resibo parin ng mga nabiling mga kagamitan ang tanging tinatago-tagong kayamanan. Alin man sa dalawang nabanggit nabibilang ang sitwasyon mo sa ngayon, sigurado akong may kakulangan ka at dapat natin itong itama.

Paano? Simple lang kabayan. Naalala mo pa ba ang mga usaping pera, pamilya at trabaho nung nag Pre-Daparture Orientation Seminar (PDOS) ka? Kung di mo na masyado naalala, sige irebyu natin.

Para magtagumpay ka sa ibang bansa dapat mo daw isaalang-alang ang mga ito:

1. Alamin kung ano ang iyong pikatanging dahilan bakit ka nagtatrabaho sa ibang bansa. Siguro naman ay pangarap mong maiahon sa kahirapan ang iyong pamilya o gusto mo halimbawa, makapag-ipon ka ng kapital para sa sarili mong negosyo na itatayo mo pagbalik ng Pilipinas. Ang pagkakaroon ng konkretong kaalaman kung ano ng aba talaga ang gusto mong marating sa buhay ay tanging susi ng iyong tagumpay.

2. Handa ka ba makipagbakbakan? Maaring mas mahirap sa inaakala mo ang magtrabaho sa ibang bansa kaya mas mabuting handa ang iyong buong pagkatao. Wala nang ibang tao ang mas nakakakilala pa sa iyong sarili kaya alam mo kung paano pa patatagin ang katawan at kalooban.

3. Alamin ang iyong responsibilidad at karapatan bilang isang migrant worker. Gabay mo ang kaalaman na ito para magampanan ng maayos ang iyong mga tungkulin. Umangkop ka din sa batas at kultura ng bansang pupuntahan o kinaroroonan mo ngayon. Tandaan, ang bansang ‘yan ay pansamantala mong tirahan kaya kung may mga gusto ka pang malaman ay magsaliklik, magbasa at ‘wag mahiyang magtanong!

4. Bawal magkasakit? Hindi naman bawal pero iwasan talagang magkasakit. Pangalagaan ang kalusugan dahil ang malusog na pangangatawan ay kailangan sa trabahong gagampanan. Kung di ka nakapasok sa trabaho dahil may sakit ka, wala ka ring kita (kaya ano ang sabi ni John Loyd Cruz?) Ingat!

5. Panatiling buo ang pamilya kahit malayo ka at ‘wag yung one solid team sa Pinas, one solid team din sa Middle East ha? Pamilya po yan hindi liga ng basketball. ‘Wag mo sanang paglaruan dahil sila man din ay nagnanais na kung pwede lang sana ay hindi kana napapalayo sa kanilang mga tabi at araw-araw kayong magkasama.

6. Lastly, matutong mag-invest. Disiplinahin ang sarili para epektibong makapag-ipon at ang perang naipon ay dapat ilalagak lamang sa mga siguradong investment.

Sa blog ko na ito ay maraming mga pamamaraan kung saan ka pwedeng mag-invest. Hindi lang naman pera ang pwedeng pagyamanin kundi pwede rin ang sariling kapasidad. Hinihikayat kitang bisitahin mo ang link na ito para malaman mo kung ano nga ba ang tinutukoy ko.

Masasabi kong hindi sapat na magtrabaho ka lang ng maigi dahil kung kumayod ka nga pero sobra sobra naman ang gastusin mo sa iyong kinikita ay wala paring pagbabago na mangyayari. Kaya kung gusto mo talagang yumaman, inuulit ko, disiplinahing mabuti ang sarili.

And take note, mayaman na masaya dapat. Hindi man madali dahil ginipit mo ang iyong sarili para makapag-ipon ay hindi mo naman ito pagsisihan sa huli dahil kumbaga sa usapang pag-ibig, lokohin ka man daw ng taong minahal mo at ipagpalit sa iba, walang dapat ipag-alala. Marami kang pera, sponsor mo pa libing nilang dalawa? JOKE only. Hehe

BLOGBITES

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Advertisements
Categories: Inspiring | Tags: , , , , | Leave a comment

Post navigation

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

%d bloggers like this: