Sa NAIA, pwedeng isang bala ka lang!

header1.png

naia.jpg

Good news mga kabayan! Alam mo ba hindi kana ngayon sasampahan ng kaso o huhulihin ng mga awtoridad kapag nakitaan ka ng bala sa iyong bagahe? Pero paalala po na dapat iisang bala lang (thus, pwedeng isang bala ka lang like what the title of this post implies) ang maaaring palagpasin ng mga security team at ang bala na ito, dapat ninyong isuko sa kanila ng boluntaryo.

Ang bagong sistema na ito bagama’t nasa experimental stage pa lamang ay naglalayong tuldukan ang takot at pangamba na idinulot ng ‘laglag bala’ o ‘tanim-bala’ scam sa mga pasahero ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa team leader ng Office for Transportation Security (OTS) sa Terminal 1 na si Ginoong Bienvenido Denros

Ngunit iginiit din ni Denros na kapag nakitaan nila ng fully loaded magazine o maraming  bala ang bagahe ng isang pasahero, siya ay huhulihin na at hahatulan ayon sa nilabag niyang batas pangseguridad ng paliparan.

Sa kabilang banda, kapag nadetect ng x-ray monitor na mayroon ngang isang live bullet sa iyong bagahe, asahan ang mga sumusunod:

  1. Sasabihan ka ng inspector on duty na tingnan ang nakitang bala sa x-ray machine monitor. Dapat po hindi nahahawakan ng ibang tao ang nasabing bagahe na naglalaman ng bala habang ipinapakita nila ito sayo.
  2. Ipabubuksan sa iyo ang bagahe, ipatatanggal ang bala at ibigay mo dapat ito kaagad sa OTS.
  3. Pagkatapos masurender ang nasabing bala, matiwasay kang makasakay ng iyong eroplano. Inihayag ni Denros na hindi kana tatanungin pa, iimbestigahan o sasampahan ng kaso.

Muli po nating pinaaalahan ang mga pasahero ng NAIA, lalong-lalo na ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs), huwag magdala ng bala at iba pang mga bagay para masigurong ligtas at matiwasay ang inyong paglalakbay.

Related Gallery: Going Places with Seaambassador

Sa epektibong pagpapatupad ng bagong regulasyon na ito, kailangan ang kooperasyon ng bawat empleyado at pasahero ng NAIA para naman everytime we fly, totoong we go with an extra smile!

disclaimer

 

Advertisements
Categories: Health & Safety, Uncategorized | Tags: , , , , , | Leave a comment

Post navigation

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

%d bloggers like this: