Sa pagboto, konting utak naman Juan!

fb_img_14616092645612390.jpg

Liban sa hindi ako magaling sa Ingles, nararapat lamang na isulat ko ang sanaysay na ito gamit ang wika ng aking Inang Bayan.

Ilang araw nalang ay Mayo 9 na ngunit marami paring mga Pilipino ang hindi pa nakapagpili kung sino nga ba talaga ang nararapat na iluklok sa pwesto. Okay lang yan kabayan dahil ang iyong pag-alinlangan ay isang senyales na ikaw ay may pagkalinga sa tinubuang lupa.

Nagkaroon ako ng lakas ng loob para gamitin ang aking boses at impluwensya sa social media dahil katulad mo, sawang-sawa narin ako sa ingay ng mga pulitiko. Oo, lalo na yung tinatawag nating mga TraPo o Traditional Politicians. Siyempre, panahon ng eleksyon ngayon, magtataka pa ba tayo kung nagsisilabasan ang lahat ng mga gusto daw maglingkod ng tapat sa bayan? Pero lingid sa alam ng nakararami, hindi po sila ang dapat gagawa ng eksena kundi ikaw at ako…tayo.. tayong mga Pilipinong naghahangad ng magandang kinabukasan para sa bansang Pilipinas.

Ang pagpili ng isang kandidato ay katulad ng pagpili ng kung sino ang gusto mong makasama sa loob ng isang bahay? Mahalaga na sigurado ka sa pipiliin mo dahil sa loob ng ilang taon, makakasama mo siya sa hirap at ginhawa.

Buti nalang walang forever

Ang mga sakim lamang sa kapangyarihan ang ayaw bumaba sa pwesto. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang pangarap ng isang angkan maging forever “public servant” o baka sadyang may mga personal interes lang o wala na silang ibang source of income?

Mabuti nalang walang forever sa pulitika kaya kung sakaling nagsasawa kana sa mga TraPo, legal mo siyang mapapalitan ngayong Mayo. Huwag lang sayangin ang opportunidad. Palitan ang dapat palitan. Ihalal ang nararapat. Bomoto ng tama!

Related Reading: Why OFWs should vote and how to vote wisely

Isa kang malaking tanong

Magulo pero masaya ang Mayo. Maraming “piyesta” kasi tuwing Mayo. Magtataka paba tayo na tuwing Mayo maraming Pilipino ang naloloko?

Kung bibigyan ako ng kapangyarihan, babaguhin ko ang modo ng eleksyon tuwing Mayo. Imbes na “piyesta” gagawin ko itong Mahal na Araw. Bakit? Dahil mahalaga na makapagnilay-nilay ang mga tao. Mahalaga na hindi sila nadadala sa kung ano lang ang kanilang naririnig o nakikita. Mahalaga na mapagtanto nila kung sino ang Hudas, kung sino ang TraPo na ipapako sa krus, kung sino ang karapat-dapat na iboto.

Natanong mo man lang ba sa sarili mo kahit minsan kung saan ang pulitiko kumukuha ng panggastos niya sa isang engrandeng rally o mamahaling mga patalastas? Bakit kailangan niyang gumastos ng milyon-milyon kung ang sabi at gusto lamang niya ikaw ay mapaglingkuran? Bakit ganoon nalang ang paghahangad niya na manalo? Bakit patuloy parin siyang nananalo matapos pumutok ang mga immoral, pagpapabaya, pagpatay o korapsyon na eskandalo?.Bakit?Bakit?

 Nasaan ang hustisya

Tinanong kita kanina kung sino ang gusto mong makasama sa loob ng isang bahay. Kapuso, kapamilya o kapatid man yan, gusto mo makasama yung taong maganda ang ugali. Totoo ba o hindi?

Sana ay ikonsidera mo ang eleksyon bilang isang napakagandang pagkakataon para pumili ng mga pulitikong gusto mong makasama sa loob ng isang bahay. Iyon bang sa pagtatapos ng kanilang termino, iiyak ka dahil walang forever. Pipigilan mo silang bumaba sa pwesto dahil hindi ka nagsasawa sa kanilang serbisyo. Masaya ka dahil alam mong hindi ka nagkamali sa iyong pagpili. Bomoto ka ng tama.

Of course, mangyayari lamang yan kung hindi ka miyembro ng Juan Tamad Mag-isip (JTM) squad!

Automatic ang membership registration sa JTM Squad kapag ganito ka mag-isip.

“Hindi ko siya iboboto dahil hindi rin naman siya mananalo.” (Obvious?)

“ Iboboto ko siya dahil anak yan ni ….. o pinsan yan ni… o kaibigan yan ni…”. ( Oh ano ngayon, anak ka naman ng Diyos?)

“ Tingnan mo ang …. nakikita ko sa TV at narinig sa radyo …maunlad at mapayapa..” ( Totoo ba ang chismis?)

“ Si Ano? Iboboto ko yan, die-hard fan niya ako eh. Gusto ko yung maginoo pero medyo bastos. Hihi”.  ( Aheem, KTV bar na ang kapitolyo?)

“ Okay lang minumura ako, kailangan ko ‘yon para magbago.” (Yung iba po bakit di na kailangan murahin, nagbabago naman?)

“Gusto ko ng pagbabago. We badly need it. Now na!” ( Ok,dine-in po ba o take out?.Thank you for impatiently waiting?)

Kill the JTM in you

Problema ang mga TraPo pero mas malaking problema ang isang Juan Tamad Mag-isip ( JTM). Hindi po ba walang manloloko kung walang magpapaloko?

Nararapat lamang na kilalanin natin ang ating mga sarili at huwag hayaan na maging isang ganap na JTM lalong-lalo pa ngayong eleksyon. Ang isang bansang naghahangad umunlad ay nangangailangan ng mga mamayang nakakapag-isip ng mabuti. Ang Pilipinas sa ngayon, kaya mabagal ang pag-unlad, ay dahil marami ang mga JTMs at nakakatakot na dumadami pa ang bilang nila. Masaya ang mga TraPo dahil tiyak marami silang maloloko.

Isa po akong JTM pero noon ‘yon at iba na ako ngayon dahil walang forever sakin ang mga Trapo. Isang malaking tanong kaagad sa aking isipan ang intensyon ng sinumang pulitiko na gustong pumuwesto sa gobyerno. Choosy na kung choosy pero gusto kong masigurado na tama ang aking iboboto.

Lahat sila may nagawa. Lahat sila may magagawa pero nasisigurado kong iba- iba ang kanilang mga ugali. At para hindi malito ang aking isipan, UGALI ang tangi kong pagbabasehan. Ang gobyerno ay katulad ng isang bahay at sila ang tagapamahala na gusto kong makasama.

Ganyan ako mag-isip. Ganyan dapat tayong hindi Juan Tamad Mag-isip (JTM)!

picture1-1.jpg

disclaimer

cropped-10641186_512301978905634_5211438197442102299_n.jpg

Advertisements
Categories: Overseas Filipino Woker, Uncategorized | Tags: , , , , , , , , , | 2 Comments

Post navigation

2 thoughts on “Sa pagboto, konting utak naman Juan!

  1. Pingback: Gusto ni Juan softdrink, ayaw magbuko! | The Seaambassadors' Republic

  2. Pingback: Why OFWs should vote and how to vote wisely | The Seaambassadors' Republic

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

%d bloggers like this: