Outstanding OFW Blogger Acceptance Speech

B

” Maniniwala po ba kayo sakin kahit wala akong pera? Eh, Pamilya? Totoo po wala po akong pera at pamilya sa ngayon dahil kung meron, nandito sana sila to witness this glorious moment. Sayang, hindi nila makikita kung gaano kasaya ngayon ditto sa SMX! Pero sige lang..wala man sila dito meron naman akong walang hanggang “double P” para sa kanila at para sa inyong lahat. Sino ang may alam ng double P na sinasabi ko? Pakitaas po ng kamay at yung mga hindi alam, pakitaas po ng inyong isang kilay! Biro lamang po pero sadya namang may double P tayo. Hindi po ito unli pasabog para sa mga gustong magnew year na diyan o pakain para sa mga kumakalam na ang sikmura dahil ito ay walang iba kundi ang ating walang hanggang pagmamahal at pasasalamat. Pero sabi nga nating mga OFW, pagtitiis lang ang kailngan mo at masasanay karin. Apparently, nasanay narin ako pero iba kasi talaga pag kasama natin ang ating mga mahal sa buhay lalong lalo na sa ganitong mga pagkakataon. Generally sa ating mga OFWs, in order to give our beloved ones a more comfortable life, we need to detach ourselves. Parang lovelife status lang sa FB ano?.. it’s complicated.

Excited napo ba kayong makinig sa kwento ng buhay ko? Dahil excited na kayo, simulan natin sa..ang nakaraan, Ipinanganak ako sa mahirap na pamilya. Ang aking itay, bago pumunta ng Saudi ay pagtatanim ng palay at tubo ang tanging hanapbuhay at ang aking inay ay isang kasambahay lamang. Anim po kaming magkakapatid at pinalad na ako ang panganay. Pinagpilitan ko lang po ang salitang pinalad actually. Dahil nasa bandang kabundukan kami nakatira, halos isa at kalahating oras kaming naglalakad ng mga kapatid ko para makapasok sa eskwela. Kalimitan ding walang masarap na ulam sa hapagkainan kaya’t naging pambansang ulam na namin ang pinaghalong mantika at toyo. Espesyal naman ang aking agahan kung minsan dahil sinasabaw ko ang tinimplang gatas sa kanin at nilalagyan ng toppings na walang iba kundi ang hinimay-himay na tuyo. Kahit nakakadry ng utak at nakakasawa sa dila, lumaki naman po akong normal at di sakitin. Wala din kaming kuryente sa aming bahay noon kaya kapag nag-aaral ako, de gaas na lampara ang aking ginagamit. Maraming beses na nakatulog ako habang nagbabasa ng libro at yung ilaw nakaiwang umaapoy sa aking uluhan, delikado sa delikado dahil pwede kaming masunugan pero sa kabutihang palad, nagigising naman ako kaagad kapag naamoy ko na ang nasusunog kong buhok. Sa mga gamit naman po sa eskwela, kung hindi inutangan ay bigay lamang ng ibang taong may magandang kalooban. Kapag bakasyon nagbebenta po ako ng mga gulay o di kaya kakanin na kami mismo ang nagluluto at binebenta sa mga kapitbahay o kung di pa maubos sa buong barangay. Naglinis din po ako ng mga malalaking bahay sa amin para may pandagdag sa allowance ko. May crush na ako nung time na yon kaya kapag nakikita niya akong nagbebenta, hiyang-hiya ako dahil alam na alam ko, hindi yung tipo kong tindero ang magugustuhan niya. Ang pagkakataon na iyon ang nagpatimbang sa akin kung ano nga ba ang mahalaga..Pera o Pag-ibig. Syempre sa huli pinili kong makapagtapos ng pag-aaral. Sa loob ng humigit kumulang sampung taon ganito kahirap ang ikot ng aking buhay estudyante. Pero ginawa ko po itong inspirasyon at sa awa ng Diyos, nakapagtapos bilang class valedictorian at naging kauna-unahang President ng Division Federation of Supreme Student Government at Outstanding Student of Antique Awardee ng aming highschool. Salamat sa pinaghalong gatas at tuyo, sana po maniwala kayo kung sasabihin kong yun ang nagpatalino sa akin. Nung nakapagtapos na ako ng sekundarya, sinubukan kong mag-aaply sa isang prestihiyosong unibersidad sa siyudad ng Iloilo. Wala po talaga akong balak maging marino pero dahil may inofer na scholarship ay agad akong naghanda para ipasa ang mga exams. Halos 700 kaming aplikante galing sa iba’t ibang panig ng bansa pero 24 lang ang nabigyan ng pagkakataong makapag-aral ng libre. Hindi naman po nasayang ang aming inutang na pamasahe at panggastos nung mga panahong iyon dahil isa ako sa mga pinalad na makapasa. Ngunit hindi po naging madali ang aking buhay iskolar sa kolehiyo dahil naging malaking hamon ang aming semi-military dorm training na kung saan ang aming mga kilos, salita at oras ay kontrolado ng mga nakakataas sa amin. Hindi po kami nakauwi ng first three months at nakagamit ng cellphone dahil bawal. Maaga po kaming nagigising sa mga araw na may celesthenics, bilang po ang oras at may nakapatong na saging sa ulo na hindi pwedeng malaglag hanggang matapos ang aming pagkain at kami ay palaging nakikitang nagmamartsa sa campus. Madalas po pumapasok kami sa klase na hindi na nakaligo at pinaparusahan kapag nagkakamali. Ang masaklap, namatay ang isang kaklase ko isang araw habang kami ay nagjojogging. Hindi nakayanan ng kanyang puso ang pisikal at emosyonal na stress kaya bigla nalang siyang bumagsak at dead on arrival na ng dalhin sa hospital. Magkamatayan man, isang misyon lang ang tinatak ko sa aking isipan. I will survive at gagraduate ako no matter what happens dahil may pamilyang naghihintay ng tulong at suporta ko. Lubhang lubak-lubak ang daanan pero narating ko din ang tagumpay nang makapagtapos ako bilang Magna Cum Laude ng kauna-unahang maritime university sa bansa at itinanghal bilang one of the Outstanding OFW Children of the Philippines ng Bank of the Philippine Islands noong November 2011 sa Makati. Kinilala din po ang ating husay sa public speaking, community service, peer facilitating, leadership and arts. Lahat ng ito ay dahil po sa ating pagsasakrispisyo, pag-aambisyon at matatag na paniniwala na ang tagumpay ay napakatamis kapag ang iyong puhunan ay dugo at pawis. And here comes the time I officially became an OFW. I just turned 18 then, batang-bata pa when I left my family and searched for greener pastures abroad. I will be joining my first vessel as a cadet on Hamburg, Germany and since it’s also my first time to travel abroad, naexcite din ako. Pero bumulaga po sa akin ang mga maala-ala mo kaya magpakailanman na mga eksena sa departure area ng NAIA. Kitang-kita ko na bago bitawan ang isang miyembro ng pamilya na mag-aabroad, bugbog sarado ito ng hugs and kisses at syempre nandun yung tears of sadness dahil siguradong mamimiss nila ang isa’t-isa. I just closed my eyes at bilang pampalubag loob I told myself, buti na lang wala sila dito, makakaalis ako ng walang eyebags. To make the long flight details short, we departed Manila bound to Hongkong to Munich and lastly, to Hamburg, Germany. Mahaba-habang biyahe but every sight was new and enchanting. Nasabi ko nalang sa sarili ko. Wow, thank you Lord! Dito na talaga ako sa ibang bansa, my dream came true! Upon embarking our vessel, we were introduced immediately to our Swedish Captain and to the rest of the crew. Pagkatapos binigyan ng safety shoes and working clothes ay doon ko simulang naintindihan kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng matalinhagang salita na “kayod-marino”. Let me give you a quick description of life at sea. Maganda dahil libre ang pagkain, tubig, internet, movies at iba pang mga bagay. Masaya din dahil nakakapunta ka sa iba’t ibang bansa, nagkakaroon ka ng mga dayuhang kaibigan o kumakain ng kanilang mga pagkain. On the other hand, malungkot naman dahil malayo ka sa iyong mga mahal sa buhay, madalas demanding at mapanganib ang trabaho, may mga cultural differences at kahit pa kapwa mo Pinoy ay mga pasaway din minsan. Nevertheless, seafaring will give you the best opportunity to prove your worth as a global Pinoy ambassador dahil very challenging but rewarding po ang buhay-barko. The first time I made a telephone call since I left home 3 months ago, ayaw ko po sanang maiyak but may isang nakapaka-sibuyas na tanong. My mother asked me, “Kamusta ka naman diyan, ok lang ba?” Then I quickly replied “Ok naman, maganda naman ang buhay dito” at napaluha na lamang ako ng di ko namalayan. I know in myself, it’s a white lie and ganyan lang dapat, if you’re an OFW hindi mo masasabi ng diretso sa mga mahal mo sa buhay na nahihirapan ka dahil ayaw mo silang mag-alala sayo sa malayo. That time I was suffering from a very painful sciatic nerve pain. Papauwiin na nga sana ako ng aming Chiefmate pero humingi ako ng pabor na konting panahon pa para ako’y gumaling. I endured those sleepless days, ginawa ko nang vitamins ang pain killer tablets and I prayed hard na sana gumaling na ako dahil ang aking working performance, bagsak na bagsak na and I just can’t go home untimely dahil may mga taong umaasa sa akin. Sa awa ng Diyos, nawala naman po ang aking sakit. Hindi lang po iyon ang mga naging hamon dahil marami ang mga naging buwis buhay na mga sitwasyon. Nahulog napo ako sa hagdan sa pagmamadaling buksan ang motor ng hatch covers, tinamaan ng lumipad na wrench sa mukha at dumugo ito, muntik mahagip ng mala anaconda na lubid habang nagmomooring operation sa Algeria o makuryente ng milyon milyong boltahe habang nag cha- chanelling sa Houston dahil foggy at ako ang nagdadrive ng crane na ginagamit sa pagpapalit ng reducer sa aming manifold. Sinasabi ko po ito sa inyong lahat hindi para takutin kayo pero para ipaalala sa inyo na not all the time, maganda ang kinalalagyan ng isang OFW kaya po kung puro masaya ang mga larawan na nakikita ninyo sa kanilang Instagram o Facebook, naku po.. magduda naman kayo kahit konti lang. Nung nilubog na ako sa totoong mundo ng pagmamarino, hindi ko ito nagustuhan dahil napaka-pisikal ng trabaho and you need to endure long period of working contract. Sabi nga ng iba dapat nag opisina nalang para pa aircon aircon lang at hindi mahihirapan. It’s true and even a day in my life came na gusto ko nang sumuko, gusto kong tumalon sa dagat, gusto kong magbigti! but as usual, tinamad ako that time so I’m here in front of you today, nag-iingay at humihikayat na lalo pa sana nating suportahan at alagaan ang ating mga OFWs particularly seafarers dahil po nahihirapan man sila palagi sa kanilang ginagawa, ay pilit paring nagpapakatatag at hindi sumusuko bagyuhin man ng mga problema sa buhay o hampasin man ng mga alon na sinalaki nitong SMX ang barko na nagsisilbing kanilang pansamanatalang tahanan. I started writing a blog not just to for fun but primarily for the purpose of becoming a pinoy sea ambassador. Marami po kasi sa atin ang hindi alam kung what it’s really like to be a seafarer or kahit pa ang mga kasamahan natin sa industriya, kulang ang kaalaman with regards to the things which make us proud to be seafarers. If this is the concern, ang diretsahang tanong. Sino ang gagawa? Eh di ikaw. Sino pa ba? My point here is having a self-initiative. Kahit po OFW kaman o hindi, if you have this kind of attitude, I’m sure you’ll be blessed and today, I’m truly and more than blessed to be recognized as an outstanding OFW Blogger. Hindi ko po nasunggkit ang ganitong karangalan kung imbes na magsulat at maging interesado sa mga bagay na makakatulong sa kapwa OFW ay mas gugustuhin kong maglaro ng mga computer games, matulog ng maaga, manood lamang ng mga pelikula or spend my free time sa maboteng usapan. Alam nyo po ba I never won an award sa pagsusulat since I learned how to write the ABZ’s. I became the editor-in-chief of our student publication nung highschool, as appointed of course, pero tandang-tanda ko pa na ang aking editoryal, yung adviser namin ang gumawa dahil nga hindi ko talaga forte ang pagsusulat. Kaya wag na kayong magtaka na sinubukan kong makapasok sa student publication office nung kolehiyo not just twice but thrice pero kinaladkad ako palabas ng oportunidad dahil wala nga akong talento sa pagsusulat. But I never stopped writing and my first ever article to be published was for our company magazine which was circulated globally. Moreover, it’s also my first time to write my Expat on the Spot Blog at nangibabaw po ito para bigyan ako ng ganitong karangalan ngayong taon. So you see? Masusurprise ka nalang sa mga gawaing minamahal mo. All you need to do is to never say never. It’s not all about the talent but all about having the right attitude to pursue your passion and grow as a well-rounded individual. On the other hand, what is the purpose of this award kung wala din naman tayong natulungan o pinasaya? As your sea ambassador online, naniniwala po akong service to others is service to God and it is more important than stealing the limelight. Pero paano yun dahil kung ikaw ay isang seafarer, you’re always not at home, you’re always busy making a living at sea, etc. etc. which leads me to the saying na kung ayaw may dahilan, kung gusto merong paraan. Hindi po ba? I would like to present the idea of i-Pinoy Circle. I established it almost a year ago while we were sailing on the middle of Atlantic Ocean and it answers the question- How can a seafarer be a part of nation building knowing that he has a lot of troubles in doing so. I highly recognized na maraming balakid at kumbaga sa problema, given nayan pero yung solution ko, I network with schools and other organizations. Nakipagtulungan po ako sa kanila. For example they will about to celebrate the nutrition month. Now how can i-Pinoy Circle be of best help knowing that they would be having such activity? Kinontak ko po ang isang teacher and told her that iPinoy would like to sponsor a slogan and poster making contest to inculcate cooperation and creativity among the participants especially the pupils. She then became the iPinoy Circle on site coordinator. Sa isang libong pisong naibigay ko ay isang libo’t isang tuwa ang balik sa akin as they reported me how happy and conducive for learning the event was. Nasa kalagitnaan po ako ng laot nun kumakayod at ang sarap ng sarap ng pakiramdam na kahit gumugulong man sa alon ang inyong barko, may natulungan ka at napasaya. Ang isang libong piso sa mahirap na kagaya ko ay malaking bagay na po iyan dahil makakabili na ako ng isang damit at pantalon pero hindi naman kasi tayo nabubuhay para sa sarili lamang. Madalas ko ngang iniisip na sige total hindi naman ako binubuwisan, parang tax payment ko narin yun dahil hindi ba yun yung purpose ng tax, para umasenso ang bayan, sa case ko lang, I’m sure hindi ito nakukurakot. So the funds used came straight from my pocket but were like tax payments for me. Mapalad po tayong mga OFW na hindi na tayo nagbabayad ng buwis, well it’s our privilege and we should enjoy it pero sana po magbuwis pa tayo ng buhay para tulungan ang ating kapwa para umunlad at umasenso sa mga paraang angkop at alam na alam nating gawin. Ano man ang estado mo sa buhay at saang bansa kaman nagtatrabaho, kayang-kaya mo kabayan dahil po ang pagbabago nagsisimula dito (puso) kaya tandaan ninyo sana ang iPC o slogan ng i-Pinoy Circle, na walang iba kundi.. i-Pinoy, I for Positive Change! I was 20 then when I clinched the Outstanding OFW Child award and I’m just 22 today to be recognized as an Outstanding OFW. I don’t know kung ano pa ang naghihintay sa akin sa future pero naniniwala po akong everyone is destined for greatness kaya patuloy lang tayo dapat lumaban anuman ang hamon ng buhay.

Sana ay huwag din kayong matakot magkamali, madapa o lumakbay mag-isa because you’re the only one who holds the key to your destiny. Always try to be assertively creative and bold in your thoughts, words and actions for that makes you Ibang Klase! Uulitin ko po..Mahalin, suportahan at unawain po natin ang isa’t isa. Hindi madali ang maging isang OFW pero kung may pagbibigayan, wala pong matigas na tinapay sa mainit na kape. Maraming maraming salamat sa lahat ng sumoporta at tumulong sa akin para makamit ang ganitong tagumpay. I would like the public to know that I offer this award primarily for my parents. To my beloved mother and to my OFW Father. Kahit hindi tayo OK sa isa’t isa sa ngayon, I’m still lucky and proud to have such parents like you. I’m sorry for whatever wrong I’d done at sana maging masaya tayong lahat ulit dahil yun ang pinakatanging tagumpay na pinapangarap ko. To my brothers and sisters, thank you for inspiring me to be the best kuya. Mahal na mahal ko kayo and I will protect your welfare no matter what it cost me. Sana mag-aral kayo ng mabuti and make our parents proud as well. To the organizers of this award, my mentors, friends, relatives and colleagues wala po ako ngayon dito kung wala ang suporta ninyo. And Lastly, to you Lord God Almighty, you are the source of my power and wisdom. To you be all my glory! Mabuhay ang mga mga bagong bayani ng Pilipinas! Mabuhay tayong lahat! ”

wpid-agm-proud-to-be-pinoy

Image source: google.com

disclaimer

 

 

 

Advertisements
Categories: OFW TALENTS | Tags: , , , , , , , | 1 Comment

Post navigation

One thought on “Outstanding OFW Blogger Acceptance Speech

  1. Pingback: Socially Yours | The Seaambassadors Timeline

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

%d bloggers like this: